Must Watch: Mayabang na 'Pulis' na Videohan ng Menor de Edad na Tinutukan ng Baril - PilipiKnows

Must Watch: Mayabang na 'Pulis' na Videohan ng Menor de Edad na Tinutukan ng Baril


Isa nanaman "pulis" ang nangagrabyado sa isang Netizen sa Pasay City,

Ayon sa kwento ni Ralph Davenz Altea sila ay naglalakad umano sa plaza ng kanyang kapatid para sumakay ng jeep ng biglang may bumusina sa kanilang likuran. Dali-dali silang tumabi para makadaan ito, pero ikinagulat nila ang paghinto ng sasakyan.

Dahil sa pangyayaring ito naisip ni Ralph na ipost ito sa social media para mabigyan ito ng leksyon.

Read full story below:

PAKI-SHARE NALANG PARA SUMIKAT TONG TARANTADONG TO
7/26/17
1pm (Plaza) Malibay, Pasay City

"Bale naglalakad kami ng kapatid ko sa plaza para sumakay ng jeep, tapos biglang may bumubusina sa likod namin na sasakyan para tumabi, edi tumabi kaming magkapatid tas biglang huminto sa tabi namin tong matandang to tas nagbaba ng bintana tas bigla kaming sinigawan ng "oh ano problema ha" edi kami nagulat ng kapatid ko kaya sumagot kapatid ko, "oh bakit ano ba problema?" Tas lalo nagsusumigaw yung lalake, kinuha nya yung baril mula sa likod na upuan ng sasakyan nya sabay tutok samin, sabi pa "aba gago ka ah" tapos bumaba na sya ng sasakyan nya, tapos nagkasagutan kami kasi sabi namin wala naman kaming ginagawa at tumabi naman kami nung bumusina sya, tapos bigla na nya tinulak kapatid ko, dun na kami nagsimula magsigawan lalo at magkamurahan. Nung vinideohan ko sya dun na sinimulan hawiin cellphone ko at magbaba ng boses pero di parin sya tumitigil sa pagmumura at pagbabanta samin, tinanong nya pa kung ilang taon ako, tapos sabi sakin "kung tumanda tanda ka lang ng konti kanina ko pa binasag yang mukha mo." Wala yung kapatid ko nun kasi tumawag na ng pulis. Tapos nung bumaba na yung asawa nya, sinabihan pa kami na gumagawa lang daw kami ng eksena, pano naman nangyari na kami gumawa ng eksena eh sya yung bumaba ng sasakyan at bumunot ng baril. Nung vinideohan ko na pati asawa nya dun na nya hinila yung buhok ko pababa (makikita sa video) kaya pinatay ko na at hinintay nalang namin dumating yung mga pulis. Nung natapos na diskusyunan namin maraming nagsabi na mayabang lang daw yun kasi pulis at lagi daw nagpapakita ng baril yun. Kaya ko pinopost to para mabigyan ng leksyon mga gantong klaseng tao, di pa daw kasi nakakahanap ng katapat eh. TAYTAYON daw apelyido netong pulis na to at marami naring daw record to na ganto.

Ito yung video na kuha nila habang nanggagalaiti si kuya.

Tulungan nating ikalat ang video na ito upang makarating sa kinauukulan. Ang mga kapulisan natin ang dapat na nagsisilbing magandang halimbawa sa nakararami pero kabaligtaran ata ang nangyayari.

Watch the full video below:
Source: Facebook


Like Our Facebook Page
Must Watch: Mayabang na 'Pulis' na Videohan ng Menor de Edad na Tinutukan ng Baril Must Watch: Mayabang na 'Pulis' na Videohan ng Menor de Edad na Tinutukan ng Baril Reviewed by Amyezra on 7:19 PM Rating: 5

No comments

Post AD